Isiniwalat ng Kapuso actress na si Carla Abellana nitong Sabado, Agosto 3, ang ginagawa umano niyang “ritwal” bago sumalang sa pag-arte.

Sa kaniyang Instagram post, makikitang nagsusulat siya sa manila paper kasama ang isang pusa.

“Madalas, akala ng karamihan na nakakatrabaho ko sa industriya na mabilis at mahusay ako mag memorya. Hindi nila alam na ilang beses sa loob ng ilang araw ko munang pinag-aaralan ang mga eksena at mga linya ko,” saad ng aktres.

Dagdag pa niya, hindi raw basta-basta humaharap sa camera ang mga artista nang hindi man lang naghahanda. Sa katunayan, hindi lang linggo ang itinatagal nilang pag-eensayo para sa gagampanang eksena o karakter. Madalas, umaabot ng buwan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Pero dahil mahal na mahal ko ang trabaho ko at ayaw kong mabigo ang network, mga producers, mga manunulat, mga direktor at mga kapwa ko Artista na nagtitiwala at umaasa din sa akin, gagawin ko ang lahat para maghanda ng mabuti,” pasubali niya.

Humakot ng paghanga ang nasabing post ni Abellana hindi lamang sa kaniyang mga tagasubaybay kundi pati sa kaniyang mga kasamahan sa industriya.

“Kahanga-hanga ❤️❤️❤️”

“Solid ate! Pwedeng idikit sa loob ng tent din 😁”

“Carla, pls stay in GMA Kapuso Network 💕”

“Ang tyaga 💪🏼”