
(PNA File Photo)
₱29.7M jackpot sa Grand Lotto draw, walang tumama
Walang tumama sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Miyerkules ng gabi kung saan nasa ₱29.7 milyon ang jackpot nito.
Sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang 6-digit winning combination ng Grand Lotto ay 50-48-02-55-46-09.
Inaasahang tataas pa ang premyo sa susunod na draw.
Binobola ang 6/55 Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.