Nagbunyi ang social media personality na si Rendor Labador sa 12 airing days suspension ng noontime show na “It’s Showtime.”

Matatandaang nitong Lunes, pinatawan ng nasabing suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang noontime show.

It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Ayon MTRCB, may kaugnayan umano ang desisyong suspendihin ang noontime show dahil sa mga natanggap na reklamo kaugnay sa inasta ng magkarelasyong Ion Perez at Vice Ganda na parehong host ng programa habang kumakain ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.

Maki-Balita: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Nang mabalitaan ito ni Labador, tuwang-tuwa siya at nagpasalamat sa MTRCB dahil sa ginawang aksyon nito.

“JUST IN!!!! 12 DAYS STAYCATION IS AWARDED TO #ItsShowtime!!! Nanalo ang #BosesNgBayan itigil ang KAHAYUPAN SA SOCMED!!!” sey ng social media personality sa isang Facebook post kalakip ang isang social media card.

“Maraming salamat sa MTRCB!!! super good job po sa inyong ahensiya! Madam Lala Sotto salamat po sa napakagandang aksyon! Mag kakasundo po tayong lahat sa pag protekta ng kabataan laban sa mga kalaswaan,” dagdag pa niya.

“Congratulations VICE & ION on this new milestone! #stayMotivated.”

Hindi pa rito natatapos si Labador dahil sa comment section dala-dala niya ang kasiyahan sa nangyari aniya parang gusto raw niyang magpainom at i-treat ang buong MTRCB.

“Parang gusto kong mag pa inom ngayon ah  LETS GOOOOWWWW!!!!”

“Ngayon nalang ulit ako sumaya pag tapos kong ma banned sa tiktok”

“Parang gusto kong i treat ang buong MTRCB, o makapag padala man lang ng meryenda sa office nila.”

screenshot mula sa FB post ni Rendon Labador

Kaugnay na Balita: Rendon Labador sinita sina Vice Ganda, Ion Perez: ‘Huwag sa show ng mga bata!’

https://balita.net.ph/2023/07/26/rendon-labador-sinita-sina-vice-ganda-ion-perez-huwag-sa-show-ng-mga-bata/