Nagbigay ng simpleng mensahe at appreciation post ang isa sa mga host ng "It's Showtime" na si Amy Perez-Castillo kaugnay ng 12 airing days na suspensiyon na ipinataw sa kanilang noontime show ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB, kaugnay ng "patong-patong" na reklamo raw sa kanila.

Mababasa sa caption ng Instagram post ni Tyang Amy, "Love will keep us together!"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

View this post on Instagram

A post shared by AMY PEREZ (@amypcastillo)

Naglagay siya ng tatlong pulang puso sa itaas at ibaba ng text caption. Kalakip din ng post ang litrato nila ng mga host.

Sa comment section naman ay nagpahayag ng kanilang suporta sa Showtime ang mga netizen.

"puno po kasi ng bunga ang puno..kaya dami bumabato...kahit sa office nanonood po ako Maam Amy...❤️"

"Ok lang yan tyang amy, napakabilis na lang po ng araw ngaun. Waiting lang po kami💖💞"

"Babalik Din Po Yan Tyang Kapit Lang Po❤️💚"

"We love you Madlang People!"

"Hindi nito masisira ang @itsshowtimena !!! Ang inaapi ay sigurado iaangat! Sa dulo nito tayo pa rin ang magwawagi!!! We love you @itsshowtimena."

Matatandaang hindi unang beses na makaranas ng suspensiyon sa isang show si Amy. Noong bahagi pa siya ng "Magandang Tanghali Bayan," isa sa mga naging noontime shows ng ABS-CBN, napatawan na rin ito ng kaukulang parusa ng ahensiya, dahil umano sa ilang mga paglabag.