Tampok sa vlog ni Kapamilya newscaster Bernadette Sembrano ang former child star na si Chacha Cañete nitong Linggo, Setyembre 3.

Si Chacha Cañete ay dating child star sa defunct children gag show na “Goin’ Bulilit” at nakilala dahil sa “Sikip” TV ad ng Camella Homes noong 2009.

At ganap na nga siyang dalaga ngayon sa edad na 18. Pero Bagama’t dalaga na, wala pa umanong nobyo ang naturang child star nang tanungin siya ni Bernadette tungkol dito.

“Ayaw ko pa pong magkaroon ng boyfriend kasi marami pa po akong kailangang…other stuff in my life that I need to focus,” pahayag ni Chacha.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Kung may nag-iisa mang lalaking tatanggapin niya sa kaniyang buhay, iyon ay si DK ng Seventeen–isang South Korean boy band.

Ayon kay Chacha, tatlong taon pa lang, sumabak na agad siya sa pag-aartista. Tumagal umano siya sa industriya ng halos pitong taon. Nag-laylow siya noong 2014 para mag-focus naman sa pag-aaral.

Sa kasalukuyan ay nag-aaral siya sa Ateneo De Manila University sa ilalim ng kursong AB Diplomacy and International Relation with specialization in East and Southeast Asian Studies. Interesado raw kasi siya sa iba’t ibang kultura at buhay na mayroon sa labas ng Pilipinas.

Bukod sa pag-aaral at pag-arte, kumakanta rin si Chacha. Sa katunayan, gusto niya talagang maging singer mula pagkabata.

Nang tanungin siya ni Bernadette kung ano ang first love niya sa pagitan ng pagkanta at pag-arte, pareho naman umano niyang na-enjoy ang dalawa.

“Pero now, I guess I would say I love singing more than acting. Kasi mas comfortable siya sa akin. It feels more natural,” pasubali niya.