Pinanood ng ilang mga senador ang laban ng koponan ng Gilas Pilipinas kontra sa koponan ng China habang nakasuot pa ng shirt na may disenyong West Philippine Sea (WPS) at bandila ng Pilipinas nitong Sabado, Setyembre 2.

Nagsuot ng naturang shirt na may disenyong West Philippine Sea sina Senador Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, Ronald “Bato” Dela Rosa, at Christopher “Bong” Go habang nagchi-cheer sa Gilas.

Kasama rin naman sa mga sumuporta at nanood sa laro sina Senador Sonny Angara at Pia Cayetano.

Matatandaang tinambakan ng Gilas ang koponan ng China sa naturang laro sa score na 96-75. Ito ang kanilang unang pagkapanalo sa 2023 FIBA World Cup.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

MAKI-BALITA: Gilas Pilipinas, tinambakan ang China

“CONGRATS GILAS Best game ever! Best win ever,” saad naman ni Villanueva sa kaniyang Facebook post kalakip ang ilang mga larawan kasama ang kapwa mga senador sa Araneta Coloseum.

“It was extra special getting our first FIBA World Cup win against China Mabuhay ang Pilipinas,” saad pa niya kasama ang hashtags na #WestPHSea, #FanMode, #FullSupport , at #BasketballNeverStops.