Nasagip ng isang Singapore-flagged bulk carrier ang isang mangingisda matapos ang maanod ng ilang araw sa karagatang sakop ng Davao Oriental nitong nakaraang linggo.

Sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG), nailigtas ng MV Maxwell ang mangingisdang si Julius Talaid matapos maispatan ang sinasakyang bangka 854.33 nautical miles o mahigit 1,582 kilometro sa bisinidad ng Cape San Agustin, Governor Generoso, Davao Oriental.

Sa imbestigasyon ng Coast Guard, naglalayag ang naturang barko patungong Xinsha, China mula sa Newcastle, Australia nitong Agosto 28 nang madaanan nila si Talaid, sakay ng kanyang bangka.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Sa salaysay ni Talaid, lumusong ito sa dagat mula sa General Santos City upang mangisda sakay ng bangkang de-motor nitong Agosto 12.

Habang naghihintay ng mahuhuli, bigla umanong hinila ng nahuling malaking isda ang kanyang bangka kaya't inanod ito ng limang.

Nang matanggap ng PCG ang impormasyon, sinundo ng rescue team nito si Talaid sa nasabing barko.

Nitong Linggo, Setyembre 3, dakong 6:45 ng umaga, dumating si Talaid sa Veterans Wharf sa Aparri, Cagayan, kasama ang mga miyembro ng PCG.