GUINAYANGAN, Quezon — Patay ang isang lalaking 53-anyos na sales agent noong Biyernes, Setyembre 1 sa Barangay Gapas dito.

Kinilala ang biktima na si Federico Tarusan, residente ng nasabing lugar, at ang suspek na si Alexander Fontanilla.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa ulat, pasakay na si Tarusan sa kaniyang motorsiklo nang sumulpot ang suspek mula sa likuran at pinagbabaril ito ng tatlong beses.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival. Naaresto naman ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya.

Lumalabas sa ulat na alitan sa lupa ang motibo umano ng pagpatay.