Tinatayang aabot sa ₱7.8 milyong halaga ng illegal drugs ang kinumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Cotabato City nitong Biyernes na ikinaaresto ng tatlong suspek.

Under custody na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga suspek na sina Komini Sumlay Mama, 31, taga-RS Buan Barangay Poblacion 1, Cotabato City; Kasan Ameril Abdul, 51, taga-Tenorio, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte, at Yasser Unos Sabal, 36, taga-Broce, Datu Odin, Sinsuat. Maguindanao del Norte.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang operasyon sa bisinidad ng LR Sebastian, Rosary Heights 10, Cotabato City nitong Setyembre 1 na ikinasamsam ng nasabing halaga ng shabu.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kinumpiska rin sa mga suspek ang isang motorsiklo, drug paraphernalias at isang cellular phone.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 10640 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang tatlong suspek.