Sinamsam ng pamahalaan ang aabot sa ₱7,825,000 smuggled na sigarilyong sakay ng isang truck sa Tantangan, South Cotabato, kamakailan.

Sa ulat ng BOC, hinarang ng mga tauhan nito sa Sub-Port of General Santos ang isang truck na naglalaman ng 14,950 ream ng sigarilyo sa Barangay New Cuyapo nitong Agosto 29.

"The operation was carried out in close collaboration with the Bureau's Customs Intelligence Investigation Service (CIIS) and Enforcement Security Service (ESS), alongside the 1st Company South Cotabato Provincial Mobile Force (SCPMF), Provincial Intelligence Unit (PIU), and Tantangan Municipal Police Station (MPS)," ayon sa social media post ng BOC.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Inirekomenda na ang pagpapalabas ng warrant of seizure and detention (WSD) para sa nasabing sigarilyo.

Sinabi pa ng BOC, lalo pa nilang dodoblehin ang kampanya laban sa smuggling upang mapataas pa ang kita ng gobyerno.