
(Manila Bulletin File Photo)
₱103.5M jackpot sa Grand Lotto draw, walang nanalo
Walang nanalo sa ₱103,523,966.80 jackpot sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Sabado ng gabi.
Idinahilan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 10-02-17-04-35-51.
Inaasahang tataas pa ang premyo para nito sa susunod na draw.
Sa rekord ng PCSO, isang taga-Iloilo ang nanalo ng ₱401 milyong jackpot sa 6/55 Grand Lotto draw noong Hulyo 9, 2022.
Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.