Ibinahagi nina Nova Villa at Maureen Larrazabal sa Fast Talk nitong Huwebes, Agosto 31, ang samahang mayroon sila ng kanilang mga kapuwa artista sa sitcom na “Pepito Manaloto.”

“Ay, napakaganda! Family,” sagot ni Nova Villa nang tanungin siya ni Tito Boy kung kumusta ang samahan nila sa Pepito Manaloto. Si Nora ang gumaganap na “Mimi Kho” sa nasabing sitcom.

“Family kami, Tito Boy. For the first time sa dami ng nasalihan ko na comedy shows, mga sitcoms, dito mo mararamdaman na pamilya talaga kayo,” segunda naman ni Maureen na gumaganap bilang Mara Quijanos.

Dagdag pa ni Maureen, nag-uusap at nagsasama-sama pa rin sila kahit wala umanong taping. Sa katunayan, nagiging ninong at ninang sila ng mga nagiging anak ng kanilang mga kasamahan sa Pepito.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

“Yung mga anak-anak ng bawat isa, kinukuha mga ninang-ninang na rin. So, mga inaanak-anak na rin namin,” ani Maureen.

Ang Pepito Manaloto ay isang sitcom sa GMA Network na nagsimula noong Marso 2010 at hanggang ngayon ay patuloy pa ring umeere sa nasabing istasyon. Pinagbibidahan ito nina Michael V., Manilyn Reynes, Jake Vargas, Angel Satsumi, John Feir, at iba pa.