Tatlong pinaghihinalaang sangkot sa isang drug syndicate ang inaresto ng mga awtoridad Barangay Lipata, Surigao City kamakailan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Sa police report, ang tatlo ay dinampot ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard K9 Field operating Unit-North Eastern Mindanao, Coast Guard Intelligence Group-North Eastern Mindanao, Coast Guard Sub-Station Lipata, Surigao City Police Station (SCPS), Philippine Drug Enforcement Agency Surigao Intel Unit, Surigao Del Norte Maritime Police Station at Port Police sa Lipata Port, Purok 1, Lipata, Surigao City nitong Biyernes.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakumpiska sa mga ito ang mahigit sa 1.95 kilo ng pinaghihinalaang illegal drugs na aabot sa ₱13,260,000.

Nakatakda nang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek.