Masayang-masaya at hindi makapaniwala ang Kapamilya actress, singer at model na si Maymay Entrata nang ibida niya ang pagtampok sa kaniya sa digital billboard na makikita sa Times Square, New York City, USA.

Sa Instagram post ni Maymay ay ibinahagi niya ang larawan kung saan makikitang nakabalandra ang kaniyang fez sa NYC. Pinasalamatan ni Maymay ang "Spotify" dahil dito.

"All Glory to God! Maraming salamat sa lahat ng suporta mula sa MAYloves ko sa journey ko dito sa musika.. di ko akalaing magkaka billboard ako sa NYC 🥹. Thank you @spotify @spotifyph @spotifyasia @starpopph for making this possible po," mababasang caption ni Maymay sa kaniyang IG post.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Nagpaabot naman ng pagbati sa kaniya ang kapwa celebrities na sina Melai Cantiveros, Sylvia Sanchez, Mutya Datul, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Matatatandaang bukod sa modelling at pag-arte, pinasok na rin ni Maymay ang pag-awit. Isa sa mga naging hit song talaga ang kaniyang "Amakabogera."