Hindi pinalagpas ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda ang sinabi ng isang studio contestant sa segment na "Rampanalo" nitong Miyerkules, Agosto 30, matapos nitong i-shout-out ang mister, na umano'y "kabit" niya.

“Shoutout sa asawa ko… ay sa kabit ko, sorry,” pahayag nito.

Kaagad namang sinansala ni Vice ang babae.

“Uy, no. Hindi natin shina-shoutout ’yon. That’s very wrong. Okay. Hindi pinagmamalaki ’yan ate,” saad naman ni Vice.

'Chumorva kagabi!' Vice Ganda sinaway agad ang ginang na kalahok sa 'Isip Bata'

Humingi naman ng paumanhin ang babae.

“Kahit na, hindi… hindi maganda yung salitang ’yon, lalo na sa tanghali. Ano ka ba, ang dami na naming issue, dadagdag ka pa. Babu!” pagpapatuloy ni Vice.

“Sorry, sorry Meme Vice,” pahayag naman ni Jennylyn.

“Yes. We don’t normalize and romanticize that,” dagdag pa ng komedyante-TV host.

Hindi ito ang unang beses na may sinoplak na studio contestant si Vice dahil sa salitang nasambit, na maaaring ikapahamak pa ng kanilang show.

Matatandaang hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) hinggil sa noontime show dahil sa sunod-sunod umanong reklamo laban sa It's Showtime.

Panghuli na nga rito ang pagkain ng icing ng cake nina Vice at Ion sa segment na "Isip Bata."

https://balita.net.ph/2023/07/31/mtrcb-ipinatawag-ang-its-showtime-producers-hinggil-sa-umanoy-ilang-eksena-nina-vice-ion/