Binura umano ng TikTok ang account ng social media personality na si Rendon Labador.

Gigil itong ibinahagi ni Labador sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Miyerkules, Agosto 30.

Rendon Labador bet 'sampalin ng katotohanan' si Coach Chot Reyes

Kalakip ng naturang post ang tatlong screenshot na nagpapatunay na “permanently banned” na ang kaniyang account dahil sa umano'y "multiple policy violations."

“Mali ba ang pagboboses para sa bayan at i-expose ang mga katangahan ng mga tao?” ani Labador.

“Pero yung mga content at tiktok account na puro kabastusan at kahayupan ay hinahayaan ninyo?” dagdag pa niya.

Sa dulong bahagi ng kaniyang post ay may panawagan siya sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na tanggalin na si Coach Chot Reyes.

"SBP sana ma-inspire at ma-motivate kayo katulad ni tiktok na mabilis ang aksyon. Tanggalin ninyo na agad si Choke! Delete nyo na siya sa mundo ng basketball."

Kamakailan, nanawagan si Labador na magbitiw na lang sa kaniyang tungkulin si Coach Chot, na tinatawag niyang “Choke,” dahil sa sunod-sunod na pagkatalo ng “Gilas Pilipinas” sa FIBA Basketball World Cup.

Maki-Balita: Rendon Labador bet ‘sampalin ng katotohanan’ si Coach Chot Reyes