Mula mismo sa bibig ni KC Concepcion ang pagkumpirmang inunfollow niya ang kaniyang stepdad na si Atty. Kiko Pangilinan at step sister na si Kakie Pangilinan, sa social media platform na Instagram.

"Hindi naman po masama na magkaroon ng time na meron kayong ina-unfollow, or meron kayong ipa-follow. Mahirap lang po talaga kapag showbiz po 'yung family, talagang lahat po pinupuna po," aniya sa panayam ni Cristy Fermin, sa radio program nito nitong Martes, Agosto 29, 2023.

"Ako kasi, I think, 'yung sa akin is more of, like I said, may mga complicated po talaga pagdating sa blended family..."

Inamin ni KC sa panayam na may mga sandaling tila "hindi perpekto" ang kanilang pagsasama bilang pamilya.

May tampuhan? KC inunfollow raw sina Kiko, Frankie Pangilinan

"Mayroon din po talagang mga times na hindi perfect, hindi po kami perpekto. And hindi po lagi kailangang perfect. So, wala naman po akong gustong ikuwento pa apart from the fact na, ako, I just want peace of mind, I want to be happy. I want my family to be happy."

"Ang gusto ko lang maging light, masaya, ayoko nang maraming drama, ayoko nang maraming hindi… yung forgiveness kasi sa family, important din yun siguro para maging okay yung takbo ng relationship ng lahat."

"And sometimes, mas gusto kong piliin 'yung peace of mind ko, Tita," aniya pa.

Hindi na nagdetalye pa si KC kung ano bang isyu ngayon ang dahilan ng pag-unfollow niya sa dalawa.

Matatandaang naging palaisipan sa mga netizen kung bakit "inunfollow" raw ni KC ang dalawa sa social media platform na Instagram, ayon sa resibong inilapag ng "Fashion Pulis."

Ayon pa sa ibang ulat, mga "eagle-eyed" netizens ang nakapansin nito.

Hindi rin daw nakita si KC sa birthday celebration ni Kiko noong Agosto 24, 2023.

Gustong malaman ng mga netizen kung may "tampuhan" ba sina KC, Atty. Kiko at Kakie at kung ano ang sey rito ng nanay ng una na si Megastar Sharon Cuneta.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ohmeygehs! Hahaha! What’s the tea on this everyone has unfollowed everyone. Miel too pero kc still follows her."

"Medyo naaawa ako kay KC parang di na nya alam kung saan lugar nya sa family side ni sharon. Saka parang nahihirapan sya makatagpo ng lalaki to settle down with kasi parang laging may say ang family nya sa side ni sharon sa mga nagiging jowa nya."

"Si KC mabait sya, pero as a daughter ayaw nya napagsasabihan. Sya na rin mismo nagsabi sa vlog nya na si Kiko ang tumayong ama nya for the longest time. Oh ngayon what happen? parang may nagsusulsol sa kanya."

"I think KC should grow up and stop putting the blame on her parents' separate lives/family to how/where she is now. Kasi sa tingin ko naman she's loved by her parents kahit magkahiwalay sila. Di ko tuloy maipigilan na i-compare sha kay Luis Manzano who turned out great kahit pa magkahiwalay ang parents nya."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Atty. Kiko, Frankie, at maging si Shawie hinggil sa isyung ito. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.