Nagbigay-pugay ang mga host ng Eat Bulaga sa pagpanaw ng batikang broadcaster na si Mike Enriquez nitong Miyerkules, Agosto 30, 2023.

Sandali silang nagbigay ng katahimikan kanina bago matapos ang kanilang programa.

“Maraming salamat sa buong pusong dedikasyon mo sa mahigit 50 years para makapaghatid ng balita at impormasyon. Maraming salamat po,” ani Paolo Contis.

Sinegundahan naman ni dating Mayor Isko Moreno ang naging pahayag ni Paolo.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Kami po dito sa G sa Gedli, kasama ko po si Cedie [Buboy Villar], ay taos-pusong nakikiramay. Maraming-maraming salamat, Mike Enriquez, sa lahat ng paglilingkod mo sa ating kapwa, sa broadcasting.”

Samantala, nagpaabot din ng pakikiramay at panalangin si Buboy Villar.

Si Mike Enriquez ay namaalam sa edad na 71.

Ralph Mendoza