Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang lumulutang sa bahagi ng Cagayan River sa Amulung, Cagayan nitong Miyerkules.

Sa paunang ulat ng Task Force Lingkod Cagayan (TFLC), ang bangkay na walang suot pang-ibaba, naka-yellow green na long sleeves at tinatayang nasa edad 40-45 ay natagpuan sa Barangay Anguiray.

Ang nasabing bangkay ay natagpuan ng mga residente sa tabi ng ilog.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Inaalam pa ng pulisya kung ito ay biktima ng krimen o aksidente ang pagkalunod.