Pinangangambahan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) na magkaroon ng oil spill sa bahagi ng karagatang pinaglubugan ng isang fishing boat sa Calatagan, Batangas kamakailan.

Sinabi ng PCG, nanawagan na rin sila sa mga resort owner at opisyal ng barangay na i-report kaagad sa kanila ang anumang maobserbahang bakas ng pagtagas ng langis sa bisinidad ng pinangyarihan ng insidente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nitong Agosto 27, dakong 7:00 ng umaga, lumubog ang Anita DH II mahigit 12 kilometro o 7 nautical miles mula sa dalampasigan ng Cape Santiago, Brgy. Bagong Silang, Calatagan.

Pag-aari ng Irma Fishing company ang lumubog na barko na umalis sa Navotas City Fish Port patungong Palawan upang mangisda ilang oras bago ang insidente.

Nasa 13 tripulante ang nailigtas sa insidente, ayon sa Coast Guard.