Nakarating na sa "hot momma" at aktres na si Ina Raymundo ang pinag-usapang balita patungkol sa sinabi ni Kapamilya star Andrea Brillantes, na crush niya ang anak nitong si Jakob Poturnak at bukas siyang maka-date ito, o kung hindi man, ang kaniyang anak na lamang na si Erika Poturnak.

Sa kolum ni Giselle Sanchez sa Manila Bulletin na "Gossip Girl," direkta niyang nauntag si Ina kung anong masasabi niya kay Andrea. Nagkasama sila ni Ina sa isang dinner noong Biyernes, Agosto 25.

Inaanak sa binyag ni Giselle si Jakob na isang baseball player sa ibang bansa.

“I like Andrea, and I find her comments flattering and amusing. It’s raw and unfiltered. I am also not sure if she was serious or just kidding around," sabi raw ni Ina.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Unfortunately, I cannot decide for my kids Jakob and Erika on their choices and love life. It’s really up to them."

"Also, the two are too busy in school abroad to comment on this," dagdag pa ng tinaguriang "Sabado Night Girl."

Saad naman ni Giselle, "good catch" si Andrea kay Jakob kapag nagkataon.

"So, Andrea, Jakob is an excellent choice for a future boyfriend. Given these stats above, you can retire from show business if you get to date Jakob and get lucky and marry him, and he gets into the U.S. Major League Baseball. hehe," ani Giselle sa kaniyang kolum.

Samantala, sa kaniyang TikTok video ay nilinaw ni Andrea na katuwaan lang naman ang ginawa nila ng "ABCD Girls" at huwag sana itong masamain ng nakararami.

Inasahan na raw niya na puputaktihin siya ng mga negatibong komento sa "Date or Pass" nila ng mga kaibigang sina Danica Ontengco, Bea Borres, at Criza Taa.