
(PNA)
Higit ₱101M, napanalunan sa Mega Lotto 6/45 draw -- PCSO
Isang mananaya ang nanalo ng mahigit sa ₱101 milyong jackpot sa Mega Lotto 6/45 draw nitong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Paliwanag ng PCSO, nahulaan ng naturang mananaya ang 6-digit winning combination na 09-30-28-45-31-05 na may jackpot na ₱101,344,365.201.
Hindi binanggit ng PCSO kung taga-saan ang nasabing mananaya na naging instant millionaire.
Paliwanag ng PCSO, kakaltasan ng 20 porsyento ang premyo alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.