Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Pinag-iingat ng Manila City government ang publiko hinggil sa nagsusulputang pekeng social media accounts ni Manila Mayor Honey Lacuna.

Babala ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Lacuna, huwag magpabiktima sa mga pekeng accounts na ito.

Umapela rin siya sa publiko na tulungan silang i-report ang mga hindi otorisadong social media account ng alkalde.

“We ask the public to help report this unauthorized social media account impersonating the City Mayor," ayon pa kay Abante.

Binigyang-diin din ni Abante, isa lamang ang lehitimong Facebook account ng alkalde at ito ay ang ‘Dra. Honey Lacuna.’

Aniya, ito ay ginawa upang bigyan ang publiko, partikular ang mga residente ng Maynila na kanyang pinaglilingkuran, ng ‘accurate at updated’ na mga impormasyon hinggil sa mga kaganapan sa administrasyon ng alkalde.