BATANGAS - Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 13 tripulante ng isang fishing boat na lumubog sa karagatang bahagi ng Calatagan, Batangas nitong Agosto 27.

Sa report ng PCG, nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa Agutaya Police kaugnay ng lumubog na fishing boat Rainbow Warrior sa Barangay Bagong Silang, Calatagan, sakay ang 13 tripulante nitong Linggo dakong 6:45 ng umaga.

Ang naturang barko na pag-aari ng Irma Fishing company ay umalis ng Navotas Port at patungo na sana sa Palawan fishing grounds nang mangyari ang insidente.

Paliwanag ng Coast Guard, kaagad na nagsagawa ng search and rescue operation ang kanilang tauhan at nailigtas ang 13 tripulante.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Idinagdag pa ng PCG, nakipag-ugnayan na sila sa Marine Environmental Protection Group at Coast Guard Station Mabini sa Batangas sa posibleng insidente ng oil spill sa lugar.

Iniimbestigahan pa ng PCG ang insidente.