Nilinaw ng "Black Rider" leading lady na si Yassi Pressman ang tungkol sa isyung may namumuong romantic relationship sa pagitan nila ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Sa ulat ng "24 Oras" at panayam ng GMA Integrated News kay Yassi, aware siyang nali-link siya sa mga politiko, hindi lamang kay Villafuerte kundi pati kay Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.

Ngunit kay Villafuerte talagang naugnay si Yassi matapos siya nitong taniman ng halik sa pisngi nito habang nasa 74th Foundation Day ng Bombon, Camarines Sur, noong Agosto 13, 2023. at maispatan ang kamay nito na "nag-landing" sa isa niyang binti, na naispatan naman ng isang netizen habang nasa isang ATV adventure na sasakyan, noong Agosto 19, 2023.

"Witwiw, Swerte man talaga," caption ng netizen dito.

'Walang third party!' Jon Semira kinumpirmang hiwalay na sila ni Yassi Pressman

Ani Yassi, matagal na silang magkakilala ni Villafuerte.

"10 years na kaming magkakilala and now, we are just spending time together, and getting to know each other more," aniya.

Sa ngayon daw, nakabaling ang kaniyang atensyon sa trabaho at hobbies gaya ng motocross at muay-thai.

Sa kaparehong panayam, sinegundahan din ni Yassi ang nauna nang pahayag ng ex-partner na si Jon Semira, na walang third party involved sa kanilang relasyon, kaya sila nagdesisyong maghiwalay.

https://balita.net.ph/2023/08/19/engagement-video-ng-mag-ex-na-sina-yassi-pressman-at-jon-semira-nakalkal/