Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na tutukuyin nila ang may-ari ng iniwang kotseng may kargang ₱1.3 bilyong shabu sa Pampanga kamakailan.

Sa social media post ng LTO, sinabi ng hepe nito na si Vigor Mendoza II na makikipagtulungan sila sa Philippine National Police (PNP) sa pagtukoy sa nakarehistrong may-ari ng nasabing kotseng may plakang ZGS-643 na natagpuan sa isang paradahan sa Mabalacat nitong Biyernes.

“We will immediately act on this. Makakaasa ang PNP na makikipagtulungan ang LTO upang matukoy kung kanino nakarehistro itong sasakyan na natagpuan sa Pampanga na naglalaman ng ilegal na droga. Hindi tayo titigil hangga’t hindi natin natutunton kung kanino ito at upang maparusahan kung sino ang nasa likod ng ilegal na gawaing ito,” anang opisyal.

“It is part of our mandate to coordinate and partner with other law enforcement agencies in order to ensure safety in our surroundings. Kasama na rin diyan ang pakikipag-coordinate sa mga ahensya lalo na kung may kinalaman sa kanilang mga anti-criminality operations. The LTO is always ready to provide assistance when necessary,” dagdag pa ni Mendoza.