Lumakas pa at isa nang ganap na super typhoon ang bagyong Goring, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Agosto 27.
Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng umaga, namataan ang sentro ng Super Typhoon Goring sa katubigan ng Palanan, Isabela, na may maximum sustained winds na 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 230 kilometers per hour.
Mabagal itong kumikilos pa-south southwestward.
Dahil sa naturang paglakas ng super typhoon Goring, itinaas na ng PAGASA sa Signal No. 3 ang mga sumusunod na lugar:
- Extreme eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan)
Nakataas naman Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:
- Eastern portion ng mainland Cagayan (Peñablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana)
- Eastern portion ng Isabela (Dinapigue, Ilagan City, Maconacon, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Benito Soliven, San Mariano)
- Extreme northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)
Samantala, naitala ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Babuyan Islands
- Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan
- Mga natitirang bahagi ng Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Eastern portion ng Benguet (Bokod, Buguias, Kabayan, Mankayan)
- Eastern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Vintar, Carasi, Nueva Era, Banna, Marcos, Dingras, Solsona, Piddig, Dumalneg, Bangui)
- Northeastern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon, Laur, Rizal)
- Northern at central portions of Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis)
- Polillo Islands
- Calaguas Islands
Samantala, inaasahan naman umanong magdudulot ng occassional rains ang pinalakas ng bagyo na southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.
“GORING is forecast to begin its loop over the Philippine Sea east of Cagayan-Isabela area today. The super typhoon will then turn northeastward and northward on Monday before shifting to a more northwestward movement on Tuesday,” anang PAGASA.
“On the track forecast, GORING will make landfall over the southern portion of Taiwan on Wednesday evening or on Thursday early morning,” saad pa nito.