Bagama't hindi pa nakaaalis ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Goring, inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Agosto 27, na isa na ring ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng PAR.

Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo 2,325 kilometro ang layo sa silangan ng Central Luzon (labas ng PAR).

Inaasahan umanong papasok ng PAR ang nasabing tropical depresseion sa darating na Miyerkules ng gabi, Agosto 30, o Huwebes, Agosto 31, at tatawaging “Hanna.”

“The possibility of hoisting a Tropical Cyclone Wind Signal in any part of the country during the occurrence of this Tropical Cyclone within the PAR region based from the current scenario is unlikely,” anang PAGASA.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Maaari naman umanong lumakas ang bagyo at itaas sa typhoon category habang papasok ito sa rehiyon ng PAR.

Samantala, sa huling ulat ng PAGASA hinggil sa Super Typhoon Goring, napanatili umano ng bagyo ang lakas nito habang kumikilos patimog timog-silangan sa East Northeast ng Casiguran Aurora.

MAKI-BALITA: ‘Goring,’ napanatili ang lakas; Ilang bahagi ng Isabela, Aurora, itinaas sa Signal No. 3