Magtatayo na ng pabahay ang pamahalaan para sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Odette sa Siargao Island, Surigao del Norte noong 2021.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa pahayag ni Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco Jose Matugas II, aabot sa ₱45 milyon ang ipinondo ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maitayo ang pabahay sa ilalim ng Silongan Housing Project.

Ang housing project na itatayo sa kalahating ektarya sa Purok 5, Barangay Poblacion sa General Luna ay mapakikinabangan ng mga biktima ng bagyo.

“This housing project will be funded through the DPWH. My office facilitated the follow-up and release of the funding for this project, which will help the typhoon victims in the town who were not able to fully recover,” ayon sa kongresista.

Paliwanag naman ni General Luna Mayor Sol Matugas, ang proyekto ay simbolo ng katatagan, pag-asa at malasakit sa mga residenteng sinalanta ng bagyo noong Disyembre 2021.

PNA