Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang amphibious assault exercise na tampok sa Amphibious and Land Operation (ALON) bilateral training ng 2,200 tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Australian Defense Force (ADF) at United States Marine Corps (USMC) sa Zambales.

Ang field training exercises na isinagawa sa Naval Station Leovigildo Gantioqui sa San Antonio ay para sa Indo-Pacific Endeavor (IPE): ALON 2023, ayon sa pahayag ng Malacañang.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Layunin ng bilateral exercise na pagtibayin pa ang seguridad sa rehiyon at ang pagtutulungan ng mga bansa sa Indo-Pacific.

Bago ang naturang military exercise, nagsagawa ng unang field training exercise sa Punta Baja Rizal, Palawan nitong Agosto 20-22.

Isasagawa naman ang ikatlong FTX, tampok ang land training at air training, sa Capas, Tarlac at Cavite simula Agosto 27 hanggang Setyembre 22.