MAGALANG, Pampanga — Binuwag ng operatiba ng PDEA Central Luzon ang isang makeshift drug den na nagresulta sa pagkaaresto ng apat na drug suspects sa Barangay Sta. Lucia rito nitong Huwebes ng gabi, Agosto 24.

Kinilala ang awtoridad ang mga suspek na sina Benjamin Huit, 64; Randy Crusillo, 32; Crisanto Sibayan, 43; at Marconi Barrio, 53.

Nasamsam mula sa kanila ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hindi bababa sa 15 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalagang P102,000; assorted drug peraphernalia, at buy-bust money

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol