Isa sa mga pakiusap noon ng action star na si Jeric Raval sa aktor na si Aljur Abrenica ay pakasalan ang anak niyang ni AJ Raval.

Sa panayam ni Jeric sa  “Fast Talk with Boy Abunda” noong Agosto 23, nabanggit niya na may tatlong bagay lang siyang ipinakiusap sa nobyo ng kaniyang anak.

Ibang babae raw involve! AJ kilala sumira sa relasyon nina Aljur, Kylie

Isa na rito ang hiling na pakasalan si AJ.

“Sabi ko lang kay Aljur, ‘ikaw ba ay hiwalay?’ ‘opo’ ‘alam mo tatlong bagay lang ang ipapakiusap ko sa’yo,’” kuwento niya sa Fast Talk.

Una, ‘yang anak ko bata pa ‘yan. Pangalawa, ‘yung biyenan mo kaibigan ko. Eh ano kayang sasabihin ko sa biyenan mo ‘pag nagkita kami baka sabihin kinukunsinti ko kayo. I-ayos mo muna ‘yung sarili mo iho wala naman akong problema sa inyo dahil buhay n’yo ‘yan eh. Pagdating sa buhay-pag-ibig ng anak ko hindi ko na saklaw ‘yun,” saad pa ni Jeric.

Ang tinutukoy niyang biyenan ni Aljur ay ang actor-turned-politician na si Senador Robinhood “Robin” Padilla, ama ni Kylie Padilla.

Pangatlo, sabi ko sa kaniya ang anak ko gusto ko pakasalan mo. Basta kapag ayos ka na, wala ka nang problema, pakasalan mo ‘yung anak ko,” huling sabi ng action star.

Samantala, kamakailan ay nagsagawa ng Facebook live si AJ at ibinunyag ang tungkol sa “third party.”

Ginawa ni AJ ang pagkaklaro sa kaniyang sarili dahil hanggang ngayon daw, “kabit” pa rin ang tingin sa kaniya ng mga tao, at siya pa rin ang itinuturong dahilan kung bakit tuluyang nawasak ang relasyon ng mag-asawa.

Ayon mismo kay AJ, bago pa man siya pumasok sa eksena ay may ibang babaeng involved sa relasyon ng dalawa.

Maki-Balita: Ibang babae raw involve! AJ kilala sumira sa relasyon nina Aljur, Kylie