Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong tripulante matapos masunog ang sinasakyang bangka sa Margosatubig, Zamboanga del Sur kamakailan.

Sa report ng PCG, dakong 6:00 ng gabi nitong Agosto 23, biglang sumiklab ang makina ng MB CA Minyahad sa karagatang bisinidad ng Philippine Ports Authority (PPA) Port sa Margosatubig.

Sa pahayag ng mga tripulante, patungo na sana sila sa Barangay Lenok, Lapuyan, Zamboanga del Sur nang pumalya ang makina ng bangka.

Anila, bigla na lamang umapoy ang makina dahil sa latak ng langis.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaagad na nailigtas ng mga tauhan ng PCG ang walong tripulante, kabilang ang isang nalapnos ang binti.