Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na special non-working day ang Setyembre 11, 2023 sa probinsya ng Ilocos Norte bilang pagdiriwang umano ng anibersaryo ng kapanganakan ng kaniyang yumaong ama at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa ngalan ng Pangulo ang Proclamation No. 327 na nagdedeklara ng nasabing holiday sa lalawigan.

“It is fitting and proper that the people of the Province of Ilocos Norte be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” nakasaad sa proklamasyon.

Ipinanganak si Marcos Sr. noong Setyembre 11, 1917, sa Sarrat, Ilocos Norte.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Naging Pangulo siya ng Pilipinas noong 1965 at nagdeklara ng batas militar noong 1972.

Taong 1986 naman nang mapatalsik si Marcos Sr. sa puwesto matapos ang makasaysayang EDSA People Power Revolution.

Pumanaw umano ang dating Pangulo noong Setyembre 28, 1989 habang siya ay nasa Hawaii.