Posibleng isagawa sa Disyembre 2023 ang special election sa ikatlong distrito ng Negros Oriental upang mapunan ang binakanteng puwesto ni dating Rep. Arnolfo "Arnie" Teves, Jr.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa panayam sa radyo nitong Miyerkules, ipinaliwanag ni Commissioner on Elections (Comelec) chairperson George Garcia, hindi na puwedeng isabay ang nasabing halalan sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30 dahil kulang na sa panahon.

“Hindi na po aabot sa barangay at SK elections, mahihirapan na po. After na po. Kung sakali, ang pinakamaaga, mga December ng taong ito namin magagawa ang special election sa Negros Oriental,” anang opisyal.

Nitong Martes, naglabas ng resolusyon ang Kamara na humihiling sa Comelec na magdaos ng special election sa Negros Oriental upang mapunan ang dating puwesto ni Teves.

Kamakailan, sinibak si Teves bilang miyembro ng Kamara dahil sa patuloy na pagbalewala sa panawagan ng mga kasamahang kongresista na umuwi na ito sa bansa matapos mag-expire ang travel authority nito mula sa Ko

Katwiran ni Teves, may banta umano sa kanyang buhay, gayundin sa kanyang pamilya matapos itong idawit sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4.