ALBAY - Iniutos ng Albay Provincial Health Office (APHO) na bantayan ang 29 close contact ng isang lalaking nasawi sa rabies sa Bacacay kamakailan.

Sa Facebook post ng Albay Provincial Information Office, ang naturang rabies victim ay taga-Barangay Gubat-Ilawod.

Nauna nang isinugod sa Ziga Memorial District Hospital ang pasyente matapos idaing ang matinding pananakit ng tiyan.

Gayunman, binawian ito ng buhay matapos masuri na tinamaan ito ng rabies at encephalopathy.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Naiulat din na dating kumakain ng karneng aso ang pasyente at dati na ring isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital dahil sa mga sintomas ng rabies.

Paliwanag naman ni PHO-Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, Epidemiology Surveillance Division Roy Ortal Dacullo, posibleng naihawa ng pasyente ang rabies sa pamamagitan ng paggamit ng baso sa inuman sa kanilang lugar kamakailan.