National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nagtipun-tipon ang mga miyembro ng pamilya at supporters ng namayapang si dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. sa bantayog nito sa Ayala Avenue, Makati City nitong Linggo upang gunitain ang ika-40 anibersaryo ng kanyang kamatayan sa Agosto 21.

Ang programa ay pinangunahan ng pang-apat na anak ng dating senador na si Victoria Elisa "Viel" Aquino-Dee at kanyang anak na sina Francis Aquino-Dee.

Kabilang din sa dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan ng pro-democratic coalition Tindig Pilipinas na sina  Ging Deles, Dr. Sylvia Estrada-Claudio, Leah Navarro, at Dr. RJ Naguit.

Nakatakdang magdaos ng misa sa Sto. Domingo Church sa Quezon City sa Lunes na mismong anibersaryo ng kamatayan ng dating senador.

Ayon sa Martial Law Museum, dinakip ng militar si Aquino noong 1973 dahil sa patung-patong na kaso at matapos ang paglilitis ay pinatawan ito ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad noong 1977.

Dahil sa sakit niya sa puso, pinayagan siyang magpagamot sa United States at nang umuwi sa bansa noong 1983 ay pinaslang ito pagkababa mula sa sinasakyang eroplano sa Manila International Airport.

Khriscielle Yalao