Napa-wow na lang ang mga netizen sa flinex na abs at magandang katawan ni "It's Showtime" host at partner ni Vice Ganda na si Ion Perez, na makikita sa kaniyang Instagram post nitong Agosto 19, 2023.

Makikitang hubad-baro si Ion habang natatakpan naman ng hawak na cellphone ang kaniyang mukha. Kitang-kita ang galit na galit niyang abs!

"Combine your determination and discipline," aniya sa caption.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pati ang dating Hashtags member na si Zeus Collins ay napakomento na rin.

"Grabe ba 🔥," aniya. May isang netizen pang nagsabing tila hinahamon din si Zeus na tapatan ito.

Anyway, marami naman sa mga netizen ang napa-"sana all" na lang at ang suwerte-suwerte raw ni "Mrs. Perez."

"Wow grabe!!! 'Yan ang legit na body with discipline and determination,walang turok 'yan..."

"Grabe ang sexy body ng husband ni Meme."

"Meme @praybeytbenjamin ohh yung husband mu po. ❤❤❤❤we love u both."

"@praybeytbenjamin asawa mo oh..."

"@praybeytbenjamin iba ka talaga meme ikaw na 🤍🫶🏻 stay strong with ion and stay healthy love wins 🦋☘️"

Sa kabilang banda, may mga bumanggit naman sa pangalan ng "nakaalitan" online ni Ion na si social media personality Rendon Labador.

"May maglalaway, maiinggit, magagalit na naman na motivator. 😂"

"Maiirita na naman si Inggiterang insecure na hindi naman kagwapuhan na si ateng Rendita bungangera: ang salot ng social media."

"Kinikilig si Rendon ngayon. 😂😂😂"

"Meron na naman maiinis sa tabi tabi😂😂😂"

Matatandaang dahil sa pagsita ni Rendon kina Vice at Ion, nagpasaring kamakailan si Vice tungkol sa abs na hindi tinuturukan ng steroids.

Nagparinig pa si Ion na kaya "ganyan" ang isang di-pinangalanang personalidad ay dahil gusto siya nito.

Pumalag naman dito si Rendon at nag-aya ng suntukan kay Ion.

Habanag isinusulat ang balitang ito ay hindi pa kumakasa si Ion sa hamon ng tinaguriang "motivational speaker."