Isang umano'y wanted sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang inaresto sa Romblon kamakailan.

Sa Facebook post ng Philippine Coast Guard (PCG), nakilala ang suspek na si Victor Briones Aragon, taga-Santa Cruz, Laguna.

Si Aragon ay dinakip ng mga tauhan ng Coast Guard at Police Provincial Drug Enforcement Unit sa Port of Romblon sa Romblon.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Paalis na sana sa nasabing daungan si Aragon sakay ng barko patungong Lucena, Quezon nang matiktikan ng mga awtoridad.

Nasa kustodiya na ng Romblon Municipal Police Station ang suspek, ayon pa sa PCG.