Tila may trauma na sa icing ng cake si Unkabogable Star Vice Ganda dahil sa naging isyu sa kanila ng partner na si Ion Perez kaugnay ng pagkain nila nito gamit ang kani-kanilang mga daliri, sa "Isip Bata" segment ng "It's Showtime."

Sa Saturday episode ng noontime show, Agosto 19, ipinagdiwang ng hosts ang kaarawan ni singer-songwriter Ogie Alcasid.

Nang hihipan na ni Ogie ang cake, tila lumayo naman dito si Vice dahil nga sa mga nangyari.

Anyway, kaugnay pa rin ng birthday ni Ogie ay naging panauhin nila ang bestfriend nitong si Michael V at si Manilyn Reynes para batiin ang kaibigan.

Eleksyon

Chavit Singson, kakandidatong senador sa midterm elections

Matatandaang matagal na nagkasama at nagkatrabaho sina Bitoy at Ogie sa gag show na "Bubble Gang" bago lumipat ng estasyon si Ogie.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Ogie sa GMA Network dahil hindi raw nila "pinagdamot" ang dalawang kaibigan para sa kaniyang espesyal na araw.

Tila nagiging normal na rin naman ang pagbisita ng Kapuso stars sa Showtime dahil nga napapanood na ito sa GTV channel 11.

Kung tutuusin, first time napanood si Bitoy sa isang show ng Kapamilya Network, at finally nagkita na rin sila ni Vice Ganda.

Sabi kasi ni Bitoy, wish niya na makabisita si Vice Ganda sa Bubble Gang sa anibersaryo ng nabanggit na programa, sana raw ay mapayagan.

Ibinahagi ni Vice ang litrato nila ni Bitoy at nilagyan ito ng caption na "ICON."

Pero si Manilyn ay napabilang na noon sa "Got to Believe" teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaya hindi na bago sa kaniyang mapanood sa ABS-CBN.