Nasa 3.4 kilometro ang naapektuhan ng pagbuga ng lava ng Bulkang Mayon,

ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa website ng Phivolcs, binanggit na ang naturang lava flow ay umabot hanggang Bonga Gully.

Naitala rin ng Phivolcs ang pagragasa ng lava sa Mi-isi Gully at ito ay umabot hanggang 2.8 kilometro.

Nasa 1.1 kilometro lamang ang naapektuhan ng paggapang ng lava sa Basud Gully.

Sa nakaraang 24 oras na pagbabantay ng ahensya, nakapagtala rin ito ng 31 pagyanig, 135 rockfall events at pitong pyroclastic density (PDC) events.

Umabot naman hanggang 1,828 tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan ng bulkan, bukod pa ang 800 metorng taas ng puting usok na tinangay ng hangin pa-hilagang-silangan, kanluran-hilagang kanluran at7 hilagang-hilagang silangan.

Nananatili pa sa level 3 ang alert status ng Mayon Volcano, palantandaang posible pa ring sumabog anumang oras.