How true na muli na namang nadagdagan daw ang "violations" ng noontime show na "It's Showtime" sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB dahil sa nasambit na salita ng host nitong si Kim Chiu?

Sa ulat ng PEP, ang salita umanong nasabi nang di-sinasadya ni Kim ay "vibrator," sa isang episode ng show noong Agosto 2, 2023.

Kumakalat naman sa TikTok ang nabanggit na video kung saan kasama ni Kimmy sina Tyang Amy Perez at Vhong Navarro sa pag-interview sa isang tatay na "Tawag ng Tanghalan" contestant.

Sa gitna ng panayam, pinuri ni Kim ang timbre ng boses ng kalahok.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Ang ganda po ng vibrator ng boses ninyo," ani Kim.

"Puwede siyang radio announcer," sundot naman ni Vhong.

Tila na-realize naman ni Kim na may nasambit siyang hindi dapat masambit, kaya itinama na niya ang wastong salitang dapat ay sinambit niya noong una.

"Vibration. Vibration ng boses."

Sa puntong ito ay maririnig na ang hiyawan mula sa madlang people audience, gayundin ang facial expression ni Vhong na tila nagpipigil matawa.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ang OA ha! Lahat na lang!"

"Dapat mas maingat sila ngayon lalo't hindi pa tapos ang deliberasyon ng MTRCB."

"Kim sabi ni Vice kalma lang may issue pa."

"Bawal lumabas nga eh pero lumabas ka pa rin."

"Hala sige arya pa haha, lalo kayong mababaon."

"Nakakaloka! Pati pala ung nasabi ni Kim Chiu sa TNT na word na vibrator sa halip na vibrato kasi pinupuri niya ung boses ng contestant at p*kp*k short sinumbong din daw sa mtrcb kahit halata namang innocent mistakes lang ung pagkakasabi niya."

Hindi pa sigurado kung makakasama nga ang insidenteng ito sa deliberasyon ng MTRCB sa sanction na ipapataw sa kanila ng board, dahil umano sa patong-patong na reklamo at violations sa kanila.

Sinasabing lalabas na ang hatol sa programa sa susunod na linggo.