Tiniyak ng Malacañang na matatag pa rin ang suplay ng bigas at presyo nito sa bansa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Binabantayan namin nang mabuti ang pag-supply ng ating bigas at pagbantay sa tumataas na presyo ng bigas at mayroon naman tayong balita na nagsimula na ang pag-aani sa Nueva Ecija, sa Isabela, at saka sa North Cotabato,” pahayag ni Marcos nitong Huwebes.

"Kaya’t ito’y magdadagdag sa supply natin. Ang binabantayan syempre natin ‘yung farmgate price, dahil ‘yun ang nag pataas sa presyo ngayon at pati ‘yung pag-import ng mga ibang inputs at saka ng bigas mismo,” anang Pangulo.

Umaasa rin si Marcos na tatatag ang presyo ng bigas kapag nagkaroon ng masaganang suplay nito at sapat na imbak.

Nauna nang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary for Industry Development Leo Sebastian, na madadagdagan ang suplay ng bigas at presyo nito dahil sa paunang ani sa tatlong lalawigan.

Inaasahan ni Sebastian na magkakaroon ng 900,000 metriko toneladang produksyon sa unang bugso ng anihan sa mga nasabing lalawigan.