Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuluy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ito ay matapos tanggapin ng Provincial Government of Albay ang 300 metriko toneladang bigas na donasyon ng Ministry of Agriculture, Forestry, and Fisheries of Japan (MAFF-Japan).

Sinabi ni DSWD Disaster Response Management Bureau (DRMB) Director Michael Cristopher Mathay, malaking tulong ang nasabing donasyon sa relief operations para sa mga evacuee.

Ang naturang donasyon ay katumbas ng 10,000 sakong bigas na nakatakdang ipamahagi sa mga apektadong lugar na kinabibilangan ng Daraga, Camalig, Guinobatan, Tabaco City, Malilipot, Sto. Domingo, at Ligao City.

Sa huling abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa Level 3 pa rin ang alert status ng bulkan na posible pa ring sumabog anumang oras dahil sa patuloy na pag-aalburoto nito.