CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga — Pinangalanan na ang bagong hepe ng Angeles City Police.

Si Police Col. Amado Mendoza Jr. ang bagong hepe ngayon ng Angeles City police. Pinalitan niya si Police Lt. Col. Deonido Maniago Jr. na nagsilbing officer-in-charge sa loob ng tatlong buwan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ginanap ang turnover ceremony noong Martes, Agosto 15 sa Camp Lt. Tomas Pepito sa Angeles City, na pinanungahan ni Police Regional Office-3 chief Police Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr..

Si Mendoza ay miyembro ng Philippine National Police Academy Kapanalig Class of 1997. Siya rin ang tagapanguna ng PRO-3 Regional Logistics and Research Development Division.

Sa kabilang banda, pangungunahan naman ni Maniago ang PRO-3 Regional Intelligence Division.