CEBU CITY — Patay ang isang ina at ang kaniyang anak na lalaki matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa pampasaherong bus nitong Martes ng madaling araw, Agosto 15, sa bayang ng Barili, lalawigan ng Cebu.

Nangyari ang aksidente kaninang 5:10 ng umaga sa highway sa Barangay Minolos, ayon sa pulisya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kinilala ng awtoridad ang mga namatay na sina Nanay Maambong at anak na lalaking si Beby.

Sinabi ng pulisya na ang motorsiklong minamaneho ni Beby ay sumingit umano sa kabilang linya kung saan bumangga ito sa Ceres bus na minamaneho ni Niere Roldan Sestoso, 45.

Idineklarang patay ang mga biktima nang dalhin sa Barili District Hospital.

Ayon pa sa pulisya, maaaring kasuhan ang driver ng bus ng reckless imprudence resulting in multiple homicide at damage to property.

Calvin Cordova