LUCENA CITY, Quezon — Patay ang isang 11-anyos na lalaki matapos matamaan ng kidlat habang lumalangoy sa Tayabas Bay sa Barangay Dalahican ng lungsod na ito noong Lunes ng hapon, Agosto 14.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Alexander Ballon, Grade 5 student, ng Barangay Dalahican.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ng ina ng biktima sa pulisya na lumalangoy ang kaniyang anak bandang alas-3 ng hapon nang biglang umulan na may kasamang kulog at kidlat at tinamaan ang biktima.

Dinala ang 11-anyos sa Saint Anne General Hospital ngunit idineklara itong patay na.

Ayon sa pulisya, sasailalim sa post-mortem examination ang biktima upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay.