Nakapagtala pa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 179 rockfall events sa Bulkang Mayon nitong Linggo hanggang Lunes ng madaling araw.
Sa website ng Phivolcs, nagkaroon din ng 126 volcanic earthquakes ang Mayon sa nakaraang 24 oras, bukod pa ang isang pyroclastic density current (PDC) event at apat na lava front-collapse events.
National
Mga senador, dapat pumabor sa impeachment vs VP Sara kung gusto nilang maglinis sa gov’t – Maza
Nagkaroon ng lava flow sa Mi-isi Gully na umabot sa 2.8 kilometro, 3.4 kilometro sa Bonga Gully at 1.1 kilometro naman sa Basud Gully.
Nagbuga rin ng 966 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Linggo, Agosto 13.
Napansin din ang paglabas ng puting usok sa bunganga ng bulkan at ito ay umabot hanggang 1,500 metrong taas bago tangayin ng hangin pa-timog-silangan-kanluran, timog-kanluran at kanluran-timog kanluran.
Ipinaiiral pa rin ng Phivolcs ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang pagsabog nito anumang oras at pagbuga ng abo.
Nagbabala rin ang ahensya sa posibleng lahar flow kapag magkaroon ng matinding pag-ulan.