Inulan ng iba't ibang reaksyon ng mga netizen ang pamamahagi ng Land Transportation Office (LTO)-Davao ng mga unclaimed license plates kamakailan.

"Eh 'yung sa akin meron na pero hahanapin pa daw, 45days pa bago makita? ganun ba talaga 'yun," pahayag ni Clacky Aimadla na taga-Davao.

"Ano kaya reason bakit walang 2020? pwede po ba namin malaman, Mga Ma'am and Sir ng LTO para maliwanagan lang po kami. Salamat," hirit naman ni JR Bacsal.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"2007 nabili kotse ko, kanina ko lang nakuha. Every year nagpaparehistro, sana sinabi n'yo na meron na," banggit naman ni Lito Lapad.

Matatandaang inanunsyo ng ahensya na inumpisahan na nila ang Region Wide Simultaneous Plate Releasing Activity sa LTO Regional Office XI, MVIS Compound, malapit sa SM City Davao nitong Agosto 12.