Sinuyod ng mga tauhan ng agriculture office ang mga palengke sa Albay upang matiyak na ipinatutupad ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa gitna ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

Kabilang sa mga nagsagawa ng price monitoring ng basic at prime commodities sa 18 bayan at lungsod ang mga community facilitator ng Albay Provincial Agriculture Office (APAO).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Binabantayan ng mga ito ang mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, mais, tinapay, sariwa, pinatuyo o de-latang isda, sariwang mga karne, itlog, bottled water, gatas, gulay at prutas, instant noodles, kape, asukal, mantika, asin, sabon at panggatong.

Layunin ng hakbang na matiyak na sumusunod ang mga negosyante sa alituntunin kasunod ng ipinalabas na price freeze ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos na isailalim sa state of calamity ang lalawigan dahil sa pagtaas sa alert level 3 ng bulkang Mayon.

"Through DTI's provincial office in Albay, I have ordered a price freeze for basic goods today. Business establishments are directed to comply to this, otherwise, we will impose necessary penalties. We want to ensure that our affected kababayans in Albay will have access to affordable and reasonably-priced basic goods especially during disasters like this," pahayag ni DTI Secretary Alfredo Pascual.